Sumailalim ang isandaan limamput dalawang personnel ng Calbayog Public Order and Safety Office (CAPOSO) sa training-workshop para sa “Tourism Awareness and Professionalism in the Workplace.”
Isinagawa ito sa pamamagitan ng tatlong batch sa Calbayog City Sports Center.
ALSO READ:
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Sa kanyang mensahe, ipinaalala ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy sa mga trainee na higit sa pagiging safety officers, sila rin ay frontliners na unang humaharap sa mga bumibisita sa lungsod.
Hinimok ng alkalde ang CAPOSO employees na maging mabuting halimbawa ng disiplina sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad.
