15 July 2025
Calbayog City
National

Presyo ng LPG, may Rollback din kasunod ng paghupa ng tensyon sa Middle East

GOOD news! May Rollback din sa presyo ng Liquified Petroleum Gas o LPG epektibo kahapon araw ng Martes, July 1.

Ito ay dahil sa paghupa ng tensyon sa Middle East.

Nag-anunsyo ang kumpanyang Regasco na may bawas na P1.50 kada kilo sa kanilang LPG.

Katumbas ito ng mahigit P16 na pagbaba sa presyo ng 11-kilogram na LPG tank.

Ayon naman sa Petron, mababawasan ng piso ang kada litro ng kanilang LPG o P11 na bawas sa presyo ng 11-kilogram na LPG tank.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).