UMAKYAT na sa 4.4 billion pesos ang Frozen Assets na may kaugnayan sa mga indibidwal at mga kumpanya na iniimbestigahan bunsod ng maanomalyang Flood Control Projects.
Ito’y matapos ma-secure ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), ngayong Miyerkules, ang ika-limang Freeze Order mula sa Court of Appeals.
Ayon sa AMLC, saklaw ng bagong Freeze Order ang iba’t ibang Additional Bank Accounts na may kaugnayan sa Persons-of-Interest, kabilang ang Entity na ang lisensya ay ginamit umano sa implementasyon ng Ghost Projects.
Dahil dito, umabot na sa 1,632 Bank Accounts, 54 Insurance Policies, 163 Motor Vehicles, 40 Real Properties at 12 E-Wallet Accounts ang na-freeze ng Appellate Court.