UMABOT na sa 10,006 ang Aftershocks na naitala ng PHIVOLCS, kasunod ng Magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Bogo City, Cebu noong Sept. 30.
Sa pinakahuling Update, kahapon ng tanghali, sinabi ng PHIVOLCS na 44 sa naturang Aftershocks ang naramdaman, na ang lakas ay nasa pagitan ng Magnitude 1.0 hanggang 5.1.
ALSO READ:
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Una nang inihayag ng ahensya na pababa na ang bilang ng mga naitatalang Aftershock kada araw.
Inihayag din ng PHIVOLCS na posibleng umiral ang Aftershocks sa loob ng ilang linggo o ilang buwan.
