TUTOL ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga panawagang Snap Elections at pagpapatalsik sa pwesto kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay CBCP President Cardinal Pablo Virgilio David, solusyonan na dapat ang korapsyon sa pamamagitan ng Accountability at hindi sa pamamaraan ng Political Shortcuts.
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Panawagan ni David sa sambayanan, huwag makiisa sa mga panawagang Coup, Revolutionary Government, Military Rule, at Snap Elections.
Dapat aniyang hayaang umiral ang Rule of Law at hayaang mabilanggo ang lahat ng nasa likod ng korapsyon at pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Ayon kay David, kung binigo tayo ng gobyerno, hindi tamang basta nalamang natin ito itapon sa halip ay hayaan natin itong maging maayos.
Paalala ng CBCP president sa publiko, huwag maging bahagi ng problemasa halip ay parte dapat tayo ng solusyon.
