NATAKASAN ng NLEX Road Warriors ang San Miguel Beermen sa Score na 85-84, kagabi sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.
Sa kabila ng kawalan ng presensya ni Robert Bolick na lumipad patungong US dahil sa pagpanaw ng ama, naisahan ng NLEX ang Defending Champions sa pamamagitan ni Jonnel Policarpio na nanguna sa koponan sa kanilang 13-Point Fight Back.
Ibinuhos ni Policarpio ang 12 mula sa kanyang 16 points sa Second Half, kabilang ang Crucial Triple kaya lumamang ang NLEX ng 4 points, 82-78, sa natitirang 3 minutes and 38 seconds ng laro.
Gumawa naman si Brandon Ramirez ng 16 markers, 6 boards, at 3 assists, habang nagtala ng Double-Double na 12 points and 12 rebounds si JB Bahio at nag-ambag si Kevin Alas ng 13 markers, 5 rebounds at 2 steals.
Samantala, pinangunahan ni June Mar Fajardo ang Beermen sa kanyang 18 points, 15 rebounds, at 4 assists.




