KINUMPIRMA ng Department of Migrant Workers (DMW) na pumanaw na ang Filipino seafarer na malubhang nasugatan nang atakihin ang Cargo Vessel na MV Minervagracht sa Gulf of Aden noong Sept. 29.
Inanunsyo ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac ang pagpanaw ng seafarer, kasabay ng pag-abot ng pakikiramay sa pamilya ng biktima at tiniyak ang tulong ng pamahalaan.
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Ayon sa United Kingdom Maritime Trace Operations at Reports mula sa reuters, tinamaan ng Unknown Projectile ang Netherlands-Flagged Cargo Vessel at nasunog habang naglalayag sa Gulf of Aden.
Mula sa labindalawang Pilipinong crew members na sakay ng barko, dalawa ang nasugatan, kabilang ang seafarer na kalaunan ay binawian ng buhay.
Sampu naman sa mga tripulanteng Pinoy ang ligtas na nakauwi sa bansa noong Linggo.
