ARESTADO ng National Bureau of Investigation ang netizen mula Pagadian City na nag-post sa Facebook ng larawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at nilagyan ng caption na “Headshot.”
Ayon sa NBI ang netizen na si Michael Romero alyas “Mike Romero” ay nahaharap sa kasong Inciting to Sedition sa ilalim ng Article 142 ng Revised Penal Code.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Umani ng atensyon sa Social Media ang post ni Romero dahil sa caption nitong “Headshot” sa larawan ng pangulo na nilagyan pa niya ng kulay pulang arrow na nakatutok sa ulo ng pangulo.
Agad nagkasa ng imbestigasyon ang NBI at sa pamamagitan ng Cyber Patrolling ay natukoy ang nasa likod ng post.
Inamin naman ni Romero sa mga otoridad na siya nga ang owner ng Facebook Account na may pangalang “Mike Romero.”
Paalala ng NBI sa publiko maging responsable sa paggamit ng Social Media at iwasan ang pagbabahagi ng malisyosong Content.
