TINIYAK ng Metropolitan Manila Development Authority na nananatiling Operational ang Navotas Navigational Gate makaraang mabutas ito nang mabangga ng isang barko.
Sa inspeksyon nina MMDA Chairman Atty. Don Artes at Navotas City Mayor John Rey Tiangco sa Floodgate, nakita na ang itaas na bahagi ng Navigational Gate ang nasira nang mabangga ng F/V Monalinda 98.
Nakatakda nang bumuo ng Technical Working Group para suriin ang ang Navigation at Safety Protocols sa Floodgate.
Sa ngayon pinag-aaralan na rin ng MMDA ang posibilidad na magdagdag ng isa pang Gate para magsilbing Backup.
Ang Floodgate ng Navotas ay nagsisilbing ang pumipigil sa pagpasok ng tubig mula sa Manila Bay na dumaloy sa mga ilog ng Navotas at Malabon, upang hindi magdulot ng pagbaha tuwing may malakas na ulan.




