MAGHIHINTAY ang pamahalaan ng Rate Cuts mula sa US Federal Reserve at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bago isakatuparan ang planong pangungutang sa labas ng bansa sa susunod na taon.
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, itinakda ng national government ang borrowing program para sa taong 2025 sa 2.55 trillion pesos, mas mababa ng 0.97% kumpara sa 2.57 trillion ngayong 2024.
Itinakda naman ang gross domestic borrowings sa 2.04 trillion pesos sa susunod na taon, habang 507.41 billion pesos ang gross external borrowings.
Una nang nagpahiwatig ang BSP ng posibleng 25-basis-point cut, sa nakatakdang meeting nito sa Aug. 15 habang ang US Federal Reserve ay inaasahang pananatilihin ang kanilang interest rates sa two-day policy meeting ngayong linggo.