27 January 2025
Calbayog City
Business

Finance Department, isinailalim sa privatization ang mahigit 28,000 government assets

MAHIGIT dalawampu’t walunlibong non-performing assets ng pamahalaan ang inilipat sa Privatization Management Office (PMO) para isapribado.

Ayon sa Department of Finance (DOF), sa kasalukuyan ay mayroong 28,665 assets na inilipat sa pmo na attached office ng kagawaran na nagsisilbing marketing arm ng gobyerno pagdating sa transferred assets, government corporations, at iba pang properties na naka-assign sa privatization council.

Ipinaliwanag ni Finance Secretary Ralph recto na ang mga asset na kanilang isinailalim sa privatization ay hindi na produktibo.

Idinagdag ng kalihim na patuloy lamang uubusin ng mga ito ang resources ng gobyerno sa pamamagitan ng management, security, at maintenance costs.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).