BIGONG makaabante ang Filipina Tennis Ace na si Alex Eala sa Singapore Tennis Open Qualifiers matapos kapusin kay Simona Waltert ng Switzerland sa score na 3-6, 2-6, kahapon.
Hindi na umabot ang disi nueve anyos na si Eala sa main draw ng kanyang Singapore tilt, makaraang matalo sa Swiss Ace sa loob lamang ng isang oras at labing anim na minuto.
ALSO READ:
Pinay Tennis Sensation Alex Eala, nagbabala laban sa disinformation, fake news
Lebron James, Stephen Curry, at Kevin Durant, muling nagsama-sama sa NBA All-Star lineup
World class multi-sports hub itatayo sa New Clark City
Lebron James, napiling maglaro para sa kanyang 22nd consecutive NBA All-Star game
Tatlo beses tinalo ni Waltert si Eala sa kanilang huling apat na paghaharap na palaging malapit na sa main draw.
Noong sabado ay pinadapa ng Pinay Tennis Star si Sara Saito ng Japan, sa pagsisimula ng kanyang kampanya subalit nabigong makausad sa main draw ng torneyo.
