7 February 2025
Calbayog City
Entertainment

Ilang celebrities, binigyang pugay ang namayapang Movie and TV Icon na si Gloria Romero

KASABAY ng pagluluksa ay nagbigay-pugay ang ilang celebrities sa namayapang movie at television icon na si Gloria Romero, sa iniwan nitong legacy sa showbiz industry.

Una nang kinumpirma ng anak ni Gloria na si Maritess Gutierrez na pumanaw na ang kanyang ina noong Sabado, Jan. 25, sa edad na 91.

Sa Instagram post, ibinahagi ni Charo Santos ang kanyang paghanga sa namayapang veteran actress.

Sinabi pa ng kapamilya actress and executive na hindi lamang icon si Gloria, kundi nagsilbi rin itong “guiding light” sa kanila, kung paano dalhin ang tagumpay nang may pagpapakumbaba.

Samantala, si Amy Perez naman na nakasama ni Gloria sa “Palibhasa Lalake,” ay madamdaming inihayag ang pangungulila sa kanyang mommy.

Kabilang din sa mga nagpaabot ng kanilang pakikiramay sina Barbie Forteza at Cherry Pie Picache.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).