Bahagyang bumaba ang inflows ng Foreign Direct Investments (FDI) noong Agosto sa gitna ng kawalan ng katiyakan sa ekonomiya sa buong mundo, batay sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Naitala sa 789 million dollars ang FDI net inflows noong ika-walong buwan na mas mababa ng 0.3 percent mula sa 792 million dollars na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Ang FDI ay tumutukoy sa pagpasok ng kapital o investments sa isang bansa na hawak ng investors sa ibang bansa, na kumakatawan sa International Expansion Activities.
Maari itong sa porma ng equity capital, reinvestment of earnings, at borrowings.