NAGBITIW sa kani-kanilang pwesto sina Executive Secretary Lucas Bersamin at Budget Secretary Amenah Pangandaman.
Sa news briefing, inanunsyo ni Press Officer Undersecretary Claire Castro na na itinalaga si Finance Secretary Ralph Recto bilang bagong executive secretary.
Habang si Budget Undersecretary Rolando Toledo ang pinangalanang Officer-In-Charge (OIC) ng Department of Budget and Management.
Inihayag din ni Castro na si Secretary Frederick Go, na Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs ang itinalaga bilang secretary of finance kapalit ni Recto.
Ayon kay Castro, boluntaryong nagbitiw sina Bersamin at Pangandaman dahil sa delicadeza matapos mabanggit ang kanilang mga pangalan sa flood control scandal.




