12 October 2025
Calbayog City
Local

Face-to-Face Classes sa Eastern Visayas State University, sinuspinde bunsod ng HFMD

SINUSPINDE ng isang linggo ang In-Person Classes sa Eastern Visayas State University (EVSU) sa Tacloban City.

Bunsod ito ng kumpirmadong kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease na nakaapekto sa mga aktibidad ng mahigit labindalawang libong estudyante.

Sa Statement, inihayag ng EVSU na inilipat muna nila ang lahat ng kanilang klase sa Online at Asynchronous Modes simula kahapon, Oct. 6 hanggang 10, para bigyang daan ang Disinfection Process.

Sinimulan na ng State-Run University na may 12,400 Population ang maigting na Disinfection sa mga classroom, opisina, laboratories, restrooms, at iba pang Shared Areas kasunod ng limang kumpirmadong kaso ng HFMD sa kanilang Main Campus.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).