27 December 2025
Calbayog City
National

Dating COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, dinemanda ang mall goer na nasa viral video

IDINEMANDA ni Dating COMELEC Commissioner Rowena Guanzon ang hindi pinangalanang mall-goer na nakaalitan niya sa isang viral video.

Naghain si Guanzon ng reklamong Unjust Vexation at Oral Defamation laban sa lalaki noong Sabado.

Sa video na ipinost niya sa kanyang Facebook page, sinabi ni Guazon na nagreklamo talaga siya sa pulis at nagdemanda kahit gabing-gabi na.

Giit pa ng dating COMELEC official, masama ang kanyang pakiramdam, pagod din siya, at hindi pa nakakain ng hapunan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).