NAGHAHANDA ang Bureau of Customs (BOC) sa pagsasagawa ng ikalawang public auction para sa apat na luxury vehicles na pag-aari ng mga Discaya.
Sinabi ni BOC Assistant Commissioner at Spokesperson Vincent Maronilla, na target nilang isusubasta ulit ngayong Linggo ang apat na natitirang sasakyan na nabigong i-bid noong nakarang Linggo.
ALSO READ:
Kinabibilangan ito ng 2022 Toyota Tundra, 2023 Toyota Sequoia, 2023 Rolls-Royce Cullinan, at 2022 Bentley Bentayga.
Noong Huwebes ay tatlo lamang mula sa pitong sasakyan ng mga Discaya ang matagumpay na naisubasta ng Customs.
Sa pagtaya ng BOC, ang lahat ng pitong sasakyan ay maaring maibenta sa halagang 103.9 million pesos.




