POSIBLENG maitala sa 3.2 hanggang 4 percent ang inflation sa buwan ng Agosto, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Kumpara ito sa 4.4 percent inflation rate na naitala noong buwan ng Hulyo.
ALSO READ:
Debt Service Bill, lumobo sa 328 billion pesos noong Setyembre
175.37-Billion Peso Investment Pledges, inaprubahan ng PEZA mula Enero hanggang Oktubre
Outstanding Debt ng Pamahalaan, bumaba sa 17.46 trillion pesos
Konstruksyon ng Farm-To-Market Roads, pangangasiwaan na ng DA mula sa DPWH simula sa susunod na taon
Tinukoy ng Central Bank bilang main source ng pagtaas ng price pressures ang tumaas na singil sa kuryente at pagtaas ng presyo ng agricultural commodities, bunsod ng unfavorable weather conditions.
Gayunman, nagkaroon din ng ilang downward pressure mula sa bumabang presyo ng langis, bigas, isda, at karne.
Inaasahang ilalabas ng Philippine Statistics Authority ang inflation data sa Sept. 5
