NAREKOBER ng Israel ang anim na bangkay ng mga bihag mula sa isang tunnel sa Southern Gaza, na pinaniniwalaang pinaslang bago pa man makarating sa kanila ang Israeli Forces.
Ayon kay Military Spokesperson, Rear Admiral Daniel Hagari, batay sa kanilang initial estimation, brutal na pinaslang ng mga teroristang hamas ang mga hostage, ilang sandali bago dumating ang mga sundalong Israeli.
ALSO READ:
Dating energy minister ng Ukraine, ikinulong matapos magtangkang lumabas ng bansa
Pag-iwas sa hateful words best fasting sa Lenten Season – Pope Leo
18 anyos na babae na may mental health issues, salarin sa mass shooting sa paaralan sa Canada
Lalaki sa Thailand, sinentensyahan ng hanggang 50 years na pagkabilanggo dahil sa pang-iinsulto sa hari
Inihayag ng Israeli military na dinala na sa Israel ang bangkay ng anim na mga hostage.
Kabilang dito ang Israeli-American na si Hersh Goldberg-Polin, kaya matiyagang tinutukan ni US President Joe Biden ang lagay ng mga bihag.
