OPISYAL na naghain ng reklamo ang PLDT tungkol sa kontrobersyal na tawag sa Set 5 ng kanilang Semifinals Game laban sa Akari sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.
Binigyang diin ng team na ang High Speed Hitters at coaches ay ibinibigay ang lahat ng kanilang makakaya para sa bawat panalo at bawat puntos.
Isang point na lamang ang kailangan ng High Hitters para makapasok sa finals sa score na 14-13, nang i-raise ng PLDT Coaching Staff ang net fault challenge sa naturang game.
Nagdesisyon naman ang mga opisyal na unsucessful ang challenge at ibinigay ang puntos sa Chargers.