Nakatakdang i-exhibit ni Solenn Heussaff ang ilan sa kanyang artworks sa Tokyo, Japan.
Sa kanyang Instagram, sinabi ng aktres na kabilang siya sa mga Filipino artist na maidi-display ang artworks sa “Finopinas,” na simula Sept. 3 hanggang 15 sa Tokyo Midtown Design Hub.
Makikita rin dito ang mga Andres Barrioquinto, Arturo Sanchez Jr., Brave Singh, Clark Manalo, IS Jumalon, John Marin, Kim Hamilton Sulit, Lotsu Manes, Lui Gonzales, Mark Rocha Padernal, Olivia D’aboville, at Renato “Jojo” Barja Jr.
Sinabi ni Solenn na masuwerte siya na mapabilang sa mga artists na maibibida ang mga likhang sining sa Japan. Matatandaang noong 2021 ay nagdaos si Solenn ng solo art exhibit na pinamagatan nitong “Kundiman” sa Modeka Art Gallery sa Makati City.