PATULOY ang rollout ng Calbayog City Government sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Raymund “Monmon” Uy, ng kanilang Social Pension Program.
Panibagong batch ng senior citizens ang tumanggap ng kanilang pensyon, kahapon, sa Oquendo Covered Court.
ALSO READ:
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Pre-Christmas Trade Fair sa Leyte, kumita ng 6.2 million pesos
Eastern Visayas, nagtala ng mababang Inflation Rate ngayong taon
Kabuuang 634 senior citizens mula sa mga Barangay Nabang, Sinidman Oriental, Sinidman Occidental, Dinagan, Oquendo, Mabini II, Rizal II, Lungsob, Baja, Mag-Ubay, Libertad, Catabunan, at Begaho ang napagsilbihan sa payout.
Ang naturang aktibidad ay katibayan ng commitment ng City Government na matiyak ang tuloy-tuloy na pagtanggap ng suporta ng mga nakatatandang residente ng lungsod.
Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng 3,000 pesos, pasa sa anim na buwang Local Pension Assistance.
