HUMINGI ng paumanhin si Pokwang sa ngalan ng kanyang pamilya matapos mag-viral ang kanyang kapatid sa social media dahil sa pambabatok sa lalaking nagtutulak ng kariton sa kalsada.
Una nang sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang hindi tinukoy na driver ng kulay puting Toyota Hilux na nakuhanang binatukan ang lalaking nagtutulak ng kariton habang nagtatalo.
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Dennis Trillo, ipinagtanggol ang misis na si Jennylyn Mercado sa gitna ng umano’y hindi pagkakasundo sa mga biyenan
Nakita rin sa video ang batang anak ng lalaki na iyak ng iyak matapos masaksihan ang away sa kalsada.
Inamin ni Pokwang na ang viral driver ay kanyang kapatid, kasabay ng pagbibigay diin na ang pagkakamali ng kanyang kapatid, at hindi niya kasalanan o ng kanilang pamilya.
Sinabi ng actress-comedian na maaring iisa sila ng apelyido subalit hindi naman laging pareho ang kanilang pag-iisip at mga gawain.
