Nalagpasan na ng COMELEC ang kanilang 3 million target na voter applications.
Ayon kay COMELEC Chairperson George Garcia, umabot na sa kabuuang 3,020,999 ang bilang ng mga aplikasyon na kanilang nai-proseso, as of may 20, mula nang umpisahan ang voter registration noong Feb. 12.
ALSO READ:
200K Units ng popular na Herbal Inhaler sa Thailand, pinare-recall sa merkado dahil sa Microbial Contamination
Kampo ni FPRRD, naghain ng apela sa Jurisdiction Ruling ng ICC
NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas
ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad
Pinakamarami ang nai-prosesong aplikasyon sa Region 4-A o Calabarzon na nasa 541,724, na sinundan ng National Capital Region (NCR) na mayroong 440,857.
Nakapagtala rin ang COMELEC main office sa Maynila ng 5,443 processed applications. Magpapatuloy ang voter registration para sa may 2025 midterm elections hanggang sa September 30.
