13 October 2025
Calbayog City
National

Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong

UMAKYAT na sa 70,985 ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan sa Davao Oriental kasunod ng Magnitude 7.4 na lindol sa bayan ng Manay noong Biyernes.

Ayon sa Provincial Government, nasa 16,553 individuals ang naapektuhan din ng Tsunami Warning na inilabas ng PHIVOLCS pagkatapos ng lindol, bagaman binawi ang Warning makalipas ang ilang oras.

Batay sa datos, umabot sa 225 ang mga kabahayan na nawasak habang 472 ang napinsala.

Nagtamo rin ng pinsala ang iba’t ibang mga paaralan, simbahan, Barangay Halls, at iba pang istruktura sa lalawigan.

Tatlo katao ang kumpirmadong nasawi habang 502 ang napaulat na nasugatan, kabilang ang mga hinimatay at dumanas ng Hypertension.

Ang datos ay nakalap mula sa Mati City at mga bayan ng Lupon, Baganga, Boston, Cateel, Caraga, Manay, Tarragona, Governor Generoso, San Isidro, at Banaybanay.

Samantala, nagpadala ng tulong ang United States sa mga residenteng naapektuhan ng Magnitude 7.4 at 6.8 na lindol sa Manay, Davao Oriental.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).