LUMAGO ng 8.2% ang ekonomiya ng Tacloban City noong 2024, lagpas sa 6.8% Growth na naitala noong 2023, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa Provincial Product Accounts (PPAs) Report, tinaya ng PSA ang Gross Domestic Product (GDP) ng lungsod sa 59.58 billion pesos noong nakaraang taon.
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Mas mataas ito kumpara sa 55.06 billion pesos noong 2023 at 51.54 billion pesos noong 2022.
Sinabi ni Zonia Salazar, PSA Eastern Visayas Supervising Statistical Specialist, na nananatili ang Tacloban bilang Key Driver ng ekonomiya ng Eastern Visayas, na ikalawa sa pinakamalaking Highly Urbanized and Provincial Economies sa rehiyon.
Inihayag ng PSA na nag-ambag ang lungsod ng 10.7 percent sa 555.62 Billion-Peso Gross Regional Domestic Product (GRDP) noong nakaraang taon.
Sa mga industriyang sinukat, naitala ang Professional and Business Services bilang Fastest Growth sa 15.1%, sumunod ang Accommodation and Food Service Activities, 11.64% at Other Services na nasa 11.61%.
