NAGLABAS ng Urgent Advisory ang Eastern Visayas Medical Center (EVMC) upang ipabatid sa publiko at sa Healthcare Facilities sa rehiyon na lumagpas sila sa kanilang Authorized Bed Capacity.
As of Oct. 5, mayroong 125% Occupancy sa Hospital Beds sa EVMC na tanging ospital sa rehiyon na kakayahang gumamot ng Level 3 Cases.
ALSO READ:
Bilang ng mga pasyente sa Samar Provincial Hospital, lumobo!
‘Sakay Na’ Program, pinalawak ng Calbayog City LGU; sasakyan, itinurnover sa Tarabucan National High School
Pagtatapos ng Elderly Filipino Week sa Calbayog City, dinaluhan ng mga lokal na opisyal
DEPDev Region 8, nanawagan ng aksyon para ma-improve ang SDG Performance
Samantala, ang Emergency Room (ER) naman ay nag-o-operate ngayon sa 193% Occupancy.
60 lamang ang Bed Capacity sa ER, subalit sa ngayon ay nasa 120 hanggang 130 na mga pasyente ang kanilang ginagamot.
Ang EVMC ay may Bed Capacity na 629 subalit ang aktwal na bilang ng mga pasyente ay lumobo sa mahigit isanlibo dahilan para gamitin ng Management ibang bahagi ng pasilidad at itaas ang Workload ng kanilang staff.