NAGPADALA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Office sa Tacloban City ng kanilang Mobile Kitchen sa Cebu para tulungan ang mga pamilyang labis na naapektuhan ng Magnitude 6.9 na lindol.
Dumating ang Mobile Kitchen sa Cebu na pinangangasiwaan ng siyam na staff mula sa DSWD-Eastern Visayas Field Office, ayon kay Regional Officer Jonalyndie Chua.
ALSO READ:
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Idineploy ang Mobile Kitchen sa daanbantayan sa Cebu na mayroong dalawampung barangay.
Samantala, nagpadala rin ang DSWD Regional Office ng isang Mobile Clinic sa Masbate para suportahan ang Disaster Relief Operations na isinasagawa ng DSWD-Bicol.
