OPISYAL na inactivate ng philippine army ang kanilang task force hope (honest, orderly, and peaceful elections) sa eastern visayas bago ang pagsisimula ng campaign season para sa local positions.
Ayon kay Capt. Jefferson Mariano, Spokesman ng 8th infantry division, isinagawa nila ang activation ceremony noong martes sa division headquarters sa Catbalogan, Samar.
Ito ay upang pagtibayin ang commitment ng task force na mapanatili ang kaligtasan at kaayusan para sa nalalapit na halalan sa Mayo.
Tututukan ng task force hope ang pagbibigay ng seguridad sa mga lugar na apektado ng New People’s Army (NPA), lalo na ang mga voting center.