20 August 2025
Calbayog City
National

E-Commerce, iba pang digital platforms inatasang alisin sa kanilang listings ang mga Ilegal na Vape

INATASAN ng Department of Trade and Industry ang mga E-Commerce at iba pang digital platforms na tanggalin sa lalong madaling panahon ang Ilegal Vape Listings nito online.

Pitong araw lamang ang ibinigay ng DTI E-Commerce Bureau sa iba’t ibang digital platforms para makasunod sa utos. 

Partikular na pinatatanggal ng DTI ang mga merchant na nag-aalok ng Ilegal o Uncertified Vape Products.

Ayon sa DTI dapat tiyakin ng ang mga retailer ay nakasusunod sa Internet Transactions Act at Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.