NAGBIGAY ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 1.21 million pesos na halaga ng assistance sa mga naapektuhang indibidwal bunsod ng limitadong access sa San Juanico Bridge sa unang dalawang linggo ng krisis.
Hanggang noong katapusan ng Mayo, namahagi ang DSWD sa Eastern Visayas ng 1,874 family food packs, 401 bottles ng 6.6 liters ng purified water, at financial assistance sa mga indibidwal na na-stranded sa Basey, Calbayog City, at Santa Rita sa Samar, at Tacloban City at Ormoc City sa Leyte.
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Inihayag ng DSWD na nananatiling activated ang kanilang Quick Response Team upang matiyak ang tuloy-tuloy na koordinasyon sa mga apektadong Local Government Units at para magsagawa ng napapanahong Resource Augmentation sa mga naapektuhang lugar.
Nagtayo rin ang DSWD ng Help Desk sa mga piling lugar sa dalawang lalawigan para sa agarang tulong kung kinakailangan.
Mahigit 136 million pesos na halaga ng relief resources ang naka-standby upang matiyak ang walang patid na tulong sa mga apektado ng Load Limit sa San Juanico Bridge.
