INANUNSYO ng PAGASA na nagsimula na ang tag-ulan sa Pilipinas.
Ginawa ng State Weather Bureau ang anunsyo, batay sa Latest Weather Analysis at Rainfall Data mula sa mga piling Data-Gathering Stations.
Ayon sa PAGASA, kalat-kalat hanggang sa malawakang pag-ulan ang na-obserbahan sa nakalipas na limang araw bunsod ng Southwest monsoon o habagat.
Senyales ito ng pagsisimula ng Rainy Season sa Western Sections ng Luzon at Visayas.
Gayunman, posible pa ring magkaroon ilang araw o linggong Monsoon Breaks.