SINAGOT ni Gerald Anderson ang break up rumors sa pagitan nila ng girlfriend na si Julia Barretto.
Sa interview ng actress-tv host na si Toni Gonzaga, binigyang diin ng aktor na okay sila ni Julia.
ALSO READ:
Rob Deniel, magkakaroon ng solo concert sa Araneta Coliseum sa Pebrero
K-Pop Group na TWICE, nag-donate ng 7.6 million pesos para sa mga biktima ng sunog sa Hong Kong
VIVAMAX actress, ibinulgar ang indecent proposal mula sa mayor at senador
Paolo Contis, nagpasalamat kina Lian Paz at John Cabahug sa pagpapalaki ng maayos sa kanyang mga anak
Nag-ugat ang espekulasyon ng mapansin ng netizen na matagal-tagal nang hindi pino-post ng magkasintahan ang isa’t isa sa kani-kanilang Instagram pages.
Ayon kay Gerald, bago ang kanyang interview kay Toni ay hinatid pa niya sa airport ang girlfriend na patungong Dubai.
Binigyang diin din ng aktor na hindi pa naman inaalis ni Julia ang mga litrato nila sa Instagram page nito.
Idinagdag ni Gerald na nakalulungkot lang na gumagawa ng konklusyon ang mga tao, batay sa social media activities ng isang indibidwal.
