NAG-release ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 22.42 million pesos na pondo para labanan ang kagutuman sa pamamagitan ng pagsuporta sa Livelihood Activities ng animnapung asosasyon sa Eastern Visayas ngayong taon.
Sa nakalipas na mahigit siyam na buwan, ang naturang inisyatiba ay nakapagbigay na ng suporta sa 1,157 members mula sa 60 Sustainable Livelihood Program Associations (SLPAs) sa mahihirap na komunidad sa rehiyon.
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Sinabi ni DSWD 8 (Eastern Visayas) Information Officer Jonalyndie Chua, na ang Zero Hunger Program, ay salig sa Sustainable Development Goals, na ang layunin ay puksain ang kagutuman at malnutrisyon habang isinusulong ang Agriculture Practices pagsapit ng 2030.
Aniya, target ng programa na magkaroon ang bawat indibidwal ng Access sa masustansyang pagkain at Economic Opportunities sa hinaharap.
Nabatid na mula sa 22.42-Million Peso Grant, 3.4 million pesos ang ni-release sa Eastern Samar; 7.66 million pesos sa Leyte; habang tig-3.78 million pesos sa Northern Samar, Samar, at Southern Leyte.
