IBINULGAR ng Veteran Showbiz Host na si Ogie Diaz na “currently dating” ang “Incognito” Co-Stars na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada.
Sa kanyang latest video sa Youtube, unang isiniwalat ng talent manager na may dine-date ng bago ang aktor.
Alexa Miro, pahinga muna ang puso matapos ang breakup kay Sandro Marcos
Willie Revillame muntik maloko ng scammer na ginamit ang boses ni Former President Gloria Arroyo
‘Sisa,’ naiuwi ang Best Screenplay sa Fantasporto sa Portugal
Aktres na si Ruby Ruiz, nakauwi na sa Pilipinas matapos ma-stranded sa Dubai
Dahil sa pangungulit ng co-host na si Mama Loi Villarama, tuluyan nang ibinunyag ni Ogie na nagde-date sina Daniel at Kaila.
Idinagdag ng Showbiz host na isang kaibigan niya ang nakakita sa dalawa na magkasama sa isang Mall sa Makati, at kapwa nakangiti sa isa’t isa.
Sinabi pa ni Ogie na wala namang tinatapakan sila Daniel at kaila dahil pareho silang single.
Si Daniel ay galing sa 11-Year Relationship sa dating Love Team partner na si Kathryn Bernardo na napaulat na nakikipag-date ngayon kay Lucena Mayor Mark Alcala.
