6 December 2025
Calbayog City
Local

DSWD, naghatid ng 19.77 million pesos na tulong sa mga biktima ng Bagyong Opong sa Eastern Visayas

NAG-abot ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 19.77 million pesos na halaga ng Assistance sa mga pamilyang naapektuhan ng Severe Tropical Storm Opong sa Eastern Visayas Region.

Sa Biliran Province, nagbigay ang ahensya ng ayuda sa pamamagitan ng kanilang Assistance to Individuals and Crisis Situation (AICS) Program sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay, maging sa mga nasugatan.

Nag-turnover ang DSWD ng kabuuang 100,000 pesos sa mga pamilya ng sampung nasawi para makatulong sa pagpapalibing.

Kabilang sa mga tumanggap ang mga pamilya ng apat na nalunod sa bayan ng kawayan at apat na natabunan ng Landslide sa Maripipi.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).