Pinatawan ng 90-araw na suspensyon ng Land Transprtation Office (LTO) ang driver’s license ng rider na naglagay ng takip sa plaka ng kaniyang motorsiklo para makaiwas sa No-Contact Apprehension Policy (NCAP).
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang rehistradong may-ari ng motorsiklo ay residente ng San Juan City.
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Nag-viral sa social media ang larawan ng motorsiklo kung saan ang plate number nito ay tinakpan gamit ang packaging tape.
Nagpalabas na din ng show cause order ang LTO sa rehistradong may-ari ng motorsiklo at ipinaalam sa kaniya na suspendido ng 90 days ang kaniyang lisensya.
Bahagi pa ng imbestigasyon ayon kay Mendoza ang pagtukoy kung ang registered owner na nasa datos ng LTO ang siya ring naglagay ng takip sa plaka ng motorsiklo.
