ISASAILALIM sa pagsusuri ang San Juanico Bridge ngayong Miyerkules para malaman kung maari nang payagang dumaan ang mga mabibigat na sasakyan ngayong buwan.
Ayon kay Leyte Gov. Carlos Jericho Petilla, Chairman ng Eastern Visayas Regional Development Council (RDC), ang isasagawang testing ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay bago ang planong pagtataas ng bridge capacity sa Biyernes.
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
DOH-8, sinuri ang kahandaan ng mga ospital para sa holiday-related emergencies
Sinabi ni Petilla na, batay sa report ng DPWH officials ay plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumisita sa Biyernes.
Aniya, kung darating ang pangulo, ibig sabihin ay handa na ang tulay para sa magamit ng mabibigat na sasakyan.
Inihayag naman ng DPWH na round-the-clock na nagta-trabaho ang kanilang teams para maisakatuparan ang direktiba ni Pangulong Marcos, na i-upgrade ang load capacity ng San Juanico Bridge sa 12 to 15 tons mula sa umiiral na 3 tons ngayong Disyembre.
