NATAPOS na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng bagong steel bridge na nagkakahalaga ng 12 million pesos sa Gamay, Northern Samar.
Sinabi ni DPWH Eastern Visayas Director Edgar Tabacon na ang bagong tulay na idinisenyo para sa pedestrians at single motorcycles ay kapalit ng luma at nasisira nang kahoy na foodbridge na dating ginagamit ng mga residente sa Barangay Central Poblacion.
Idinagdag ni Tabacon na ginawang mas matibay ang tulay para sa ligtas na pagtawid sa Gamay River, mula sa madulas na dating tawiran na may hatid na banta sa kaligtasan ng mga residente, lalo na kapag masama ang panahon.
Ang bagong tulay ay magbibigay mas ligtas at mas maginhawang ruta patungo sa mga lokal na pasilidad, gaya ng palengke, mga paaralan, at iba pang mahahalagang serbisyo.