PINAALALAHANAN ng COMELEC Regional Office sa Tacloban City ang mga opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan na huwag gamitin ang pampublikong pondo para ikampanya ang kanilang mga kandidato.
Sinabi ni COMELEC Eastern Visayas Legal Officer Ma. Krishna Athena Elardo na bagaman pinapayagan ang Barangay at SK Officials na mag-endorso ng mga kandidato, mahigpit naman silang pinagbabawalan na gamitin ang government funds, manpower at iba pang state resources para sa political purposes.
Binigyang diin ni Elardo na hindi kailanman maaring gamitin ang resources ng pamahalaan para sa political advantage.
Ginawa ng Regional Office ng Poll Body ang paalala, ilang araw matapos mag-umpisa ang campaign period para sa local positions noong March 28.
Magtatagal ang campaign period hanggang May 10, dalawang araw bago ang halalan sa Mayo a-dose.