PINAYUHAN ng Department of Transportation (DOTr) ang mga pasahero na maglaan ng apat hanggang limang oras bago ang kanilang scheduled flights, sa gitna ng inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong Semana Santa.
Binigyang diin ni Transportation Secretary Vince Dizon ang kahalagahan ng fully staffed immigration counters upang mapangasiwaan ang tumaas na bilang ng mga pasahero.
ALSO READ:
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Upang mabawasan ang abala sa gitna ng travel rush, kinukumpiska na lamang ng mga awtoridad ang hugis-balang mga amulet, kaysa i-offload ang mga pasahero.
Pinaalalahanan din ang mga biyahero na mag-rehistro sa e-travel app habang inabisuhan din ang mga OFW na dalhin ang kanilang overseas employment certificate.
