UMAKYAT sa 2,500 ang bullying cases sa mga paaralan sa Metro Manila sa academic year 2025-2025 mula sa 2,268 na naitala sa nakalipas na school year, ayon sa Department of Education (DepEd).
Upang matugunan ang nakaaalarmang pagtaas ng insidente ng pambu-bully sa mga eskwelahan, sinabi ng DepEd na nagsagawa sila ng “pinakamalaking” executive committee meeting, upang pagsama-samahin ang concerned government agencies, civil society organizations, at academic experts.
Inihayag ni Education Secretary Sonny Angara na para epektibong malabanan ang bullying, hindi lang dapat pagtuunan ang loob ng mga paaralan, kundi pati ang mga tahanan at komunidad kung saan nagmula ang mga mag-aaral.
Idinagdag ng kalihim na hindi lamang ito usaping pampaaralan, kundi national priority na nangangailangan ng whole-of-government at whole-of-society response.