Umabot sa 19.9 million ang nakapag-download ng eGovPH Supper App.
Ayon sa Presidential Communications Office, sa nasabing bilang, 16 million ang active users.
ALSO READ:
Mag-asawang Discaya, pinangalanan ang mga kongresista at iba pang mga opisyal na nakinabang sa umano’y maanomalyang Flood Control Projects.
Pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga tiwaling contractors, inirekomenda na sa Ombudsman
Senador Tito Sotto, muling iniluklok bilang Senate President kapalit ni Senador Chiz Escudero
Batas na magtatatag sa Bataan High School for Sports, pirmado na ni Pangulong Marcos
Kabilang sa feature ng eGovPH na gamit na gamit ng mga nag-download ng App ay ang Digital National ID, eTravel, eVisaPH, OFW Services, at eHealth.
Ginagamit din ang eLGU para sa mga nag-aaplay ng permit.
Gayundin ng PhilHealth, Pag-IBIG at GSIS.
Patuloy na hinihikayat ng pamahalaan ang publiko na gamitin ang mga serbisyo sa eGovPH na makapagpapadali ng pag-access nila sa government services.