TINIYAK ng Department of Migrant Workers (DMW) na tutulungan nito ang Overseas Filipino Worker (OFW) na namatayan ng anak matapos ang car-ramming incident na naganap sa NAIA Terminal 1.
Ayon sa DMW, paalis sana patungong Europe ang nasabing OFW at hinatid ito sa NAIA ng kaniyang pamilya nang mangyari ang insidente.
ICC Pre-Trial Chamber, posibleng desisyunan ang Fitness to Stand Trial ni FPRRD sa Enero
Antipolo Rep. Romeo Acop, pumanaw sa edad na 78
Labi ni Catalina Cabral, itinurnover na sa kanyang pamilya – PNP
Mga biyahero, dagsa na sa PITX, ilang araw bago ang Pasko; 100,000 pulis, magbabantay sa transport hubs sa gitna ng Christmas at New Year Exodus
Nagpaabot ng pakikiramay ang DMW sa pagpanaw ng 4 na taong gulang na anak ng OFW.
Ang asawa ng OFW ay nasugatan sa insidente at kritikal pa ang kondisyon sa ospital.
Ayon sa DMW inatasan sila ni Pangulong President Ferdinand R. Marcos Jr. Na makipag-ugnayan sa Department of Transportation (DOTr) at New NAIA Infra Corporation (NNIC) para sa karampatang tulong na maipagkakaloob sa OFW.
Kabilang dito ang pagbibigay ng tulong sa pagpapagamot ng nasugatan niyang asawa at ina.
Tutulong din ang DMW para maipaliwanag sa employer ng OFW kung bakit hindi ito agad makababalik sa kaniyang trabaho.
