Tiniyak ng Department of Migrant Workers na ‘on track’ ito sa target na 100 percent utilization rate ng kanilang budget hanggang sa pagtatapos ng 2025.
Kaugnay nito ay nilinaw ni DMW Sec. Hans Leo Cacdac, na noong 2024 naitala nila ang budget utilization rate na 73% at hindi 49% gaya ng iniulat ng isang online news outlet.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Aminado naman si Cacdac na mababa pa ring maituturing ang 73% utilization rate, kaya ngayong taon mas nagsumikap pa ang DMW para maitaas ang paggamit sa kanilang budget.
Iniulat ni Cacdac na hanggang noong July 31, 2025 ay 61.8 percent na ng P2.1 billion na AKSYON Fund ng DMW ang nagamit na ng ahensya.
Ayon kay Cacdac sa pagdaragdag nila ng 500 pang tauhan ay mas napabilis ang pagtugon at serbisyo sa mga OFW at kanilang pamilya.