5 July 2025
Calbayog City
National

LTFRB, bukas na pag-aralan ang hirit na taas-pasahe sa TNVS

LTFRB – 1

BUKAS ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pag-aralan ang hirit na itaas ang pasahe sa Transport Network Vehicle Services (TNVS), o ride-hailing services.

Gayunman, nilinaw ni LTFRB Chairperson, Atty. Teofilo Guadiz III, na sa anumang adjustment, dapat ikonsidera ang epekto nito sa commuters, hindi lamang sa mga operator at driver.

Sinabi ni Guadiz na bagaman kinikilala nila ang pangangailangan ng TNVS operators at drivers na kumita ng patas, mahalaga ring matiyak na kakayanin ng mga pasahero ang taas-pasahe.

Kabilang sa proposal ang pagtaas ng minimum fare sa 150 pesos sa short-distance trips na ibi-nook sa ride-hailing apps.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).