BINALAAN ng bangko sentral ng pilipinas (BSP) ang publiko laban sa mga scammer na gumagamit ng logo at pangalan nito online.
Ito ay matapos matuklasan ng BSP na mayroong gumagamit ng kanilang logo sa telegram, viber at whatsapp.
ALSO READ:
PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta
Sen. Bato Dela Rosa, naispatan sa 6 na magkakaibang lokasyon sa nakalipas na 3 Linggo
Sandiganbayan, ibinasura ang hirit na i-consolidate ang flood control cases laban kay Zaldy Co at sa 16 na iba pa
Bicam para sa 2026 National budget, iniurong sa bukas
Paalala ng BSP, wala itong account sa telegram, viber at whatsapp.
Dapat ding maging mapanuri ang publiko sa mga mensaheng kanilang natatanggap at huwag basta-basta maniwala.
Sinabi ng BSP na hindi ito kailanman magpapadala ng mensahe para hingin ang personal o financial information ng isang indibidwal at lalong hindi mangungulekta ng pera.
