Karangalan para kay Kapuso actor Dingdong Dantes na makasama sa isang pelikula ang veteran actress at dating ABS-CBN Executive na si Charo Santos-Concio.
Sinabi ni Dingdong na “very, very, super excited” siya na maka-trabaho ang isang Charo Santos.
Ayon kay Dingdong, unang na-conceptualized ang project na may working title na “Love to Love,” noon pang 2019.
Samantala, kasunod ng blockbuster hit na “Rewind,” inihayag ng aktor na gusto ulit niyang gumawa ng project kasama ang misis na si Marian Rivera dahil na-miss niya itong makasama sa trabaho.
Muli ring nagpasalamat ang mag-asawa sa napakalaking suporta na tinanggap ng kanilang Metro Manila Film Festival entry.