TINALAKAY ni Samar Governor Sharee Ann Tan ang pagpapalakas ng climate resilience sa lalawigan sa Eastern Visayas Summit on Climate Resilient Development.
Sumentro ang mensahe ni Tan sa pagbabahagi ng Samar Bamboo Project, kung saan saklaw ang inisyal na apatnapung libong ektarya.
Target ng plantasyon na isulong ang Sustainable Bamboo Industry Investments sa degraded forest lands, protektahan ang legislated area ng Samar Island Natural Park (SINP) mula sa pang-aabuso sa pamamagitan ng pagbibigay ng alternatibong economic opportunities, at ipagpatuloy ang pagtugon sa global issue ng climate change.